I hope, one day, to sing these songs with Nikki and Ethan when they are bigger and go caroling...
KAY SIGLA NG GABI
Kay sigla ng gabi, ang lahat ay kay saya!
Nagluto ang Ate ng manok na tinola,
Sa bahay ng Kuya ay mayroong litsonan pa!
Ang lahat ay may handang iba't-iba.
Tayo na giliw, magsalo na tayo!
Meron na tayong tinapay at keso.
Di ba Noche Buena sa gabing ito,
At bukas ay araw ng Pasko!
PASKO NA NAMAN
Pasko na naman, o kay tulin ng araw.
Paskong nagdaan, tila ba kung kelan lang.
Ngayon ay Pasko, dapat pasalamatan.
Ngayon ay Pasko, tayo ay mag-awitan.
Pasko, Pasko, Pasko na namang muli,
Tanging araw na ating pinakamimithi,
Pasko, Pasko, Pasko na namang muli!
Ang pag-ibig naghahari!
SA MAYBAHAY ANG AMING BATI
Sa maybahay ang aming bati
Merry Christmas na maluwalhati!
Ang pag-ibig pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi!
Ang sanhi po ng pagparito,
Hihingi po ng aginaldo.
Kung sakali't kami'y perhuwisyo
Pasensya na kayo pagka't kami'y namamasko!
ANG PASKO AY SUMAPIT
Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo ay isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa ay nagsipaghandog ng tanging alay
Bagong taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan natin ang kasaganaan
Tayo'y mangagsi-awit habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit ng Sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon kahit hindi Pasko ay magbigayan
KAMPANA NG SIMBAHAN
Kampana ng simbahan ay nagigising na
At waring nagsasabi na tayo'y magsimba
Maggising at magbangon tayo'y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan
Ang kampana'y tuluyang naggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag-asa
Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin
Pagka't tayo'y may tungkulin sa panalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat ay manalangin habang nagsisimba
HIMIG NG PASKO
Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawa't damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog ng langit
Himig ng Pasko'y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lugod sa kasayahan
Himig ng Pasko'y umiiral
Sa loob at labas ng tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin
MANO PO NINONG, MANO PO NINANG
Maligaya, maligayang Pasko kayo'y bigyan
Masagana, masaganang Bagong Tao'y kamtan
Ipagdiwang, ipagdiwang araw ng Maykapal
Upang manatili sa atin ang kapalaran
At mamuhay na lagi sa kapayapaan
Mano po Ninong, mano po Ninang
Narito kami ngayon
Humahalik sa inyong kamay
Salamat Ninong, salamat Ninang
Sa aginaldo pong inyong ibinibigay
Monday, December 11, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment